By: Tina Mendoza
www.abante.com.ph
Isinisi ng mga residente ng Kagitingan St., Tondo, Manila, ang pagkakasagasa at pagkamatay ng isang bata sa isinagawang motorcade noong Sabado kung saan nagtakbuhan umano ang mga bata papalapit dahil sa pamumudmod ng t-shirt at kendi ng kandidatong alkalde.
Ayon sa mga residente ng Kagitingan St., Tondo, alas-kwatro ng hapon nang dumaan ang motorcade ni Mayor Alfredo Lim kasama ang mga kandidato ng kanilang partido at upang makaagaw pansin ay naghahagis ito ng mga kendi na s’yang pinagkaguluhan naman.
Isa umano sa nakiagaw ay si Dirk Pacheco, 4-anyos na hindi naalintana ang paparating na firetruck kung saan lulan naman ang isang kandidato sa pagkakonsehal at nabundol ito.
Bagama’t naisugod sa Mary Johnston Hospital ang bata ay nabigo naman na mailipat sa Intensive Care Unit (ICU) ang biktima dahil sa kawalan ng pera ng mga magulang nito at ilang oras pa ang lumipas bago ito naipasok sa ICU subalit naging huli na dahil binawian din ito ng buhay.
Inamin ng mga magulang ng biktima na wala silang nakuhang tulong mula sa kampo ng alkalde kung saan lumapit sila kay dating Manila Mayor Lito Atienza na s’yang tumulong para mailabas ng ospital ang kanilang nasawing anak.

No comments:
Post a Comment